1. "KALIKASAN AT ISTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO"
Lahat ng wikang ginagamit ng anumang lahi sa daigdig ay binubuo ng mga tunog . Ang mga tunog na ito ay tinatawag na ponema na matatalakay pa ng higit sa mga kasunod na pahina.
2. "PONOLOHIYA"
Ang ponema ay tumutukoy sa mga makhulugang tunog ng isang wika. Ang makaagham na pag-aaral nito ay tinatawag namang ponolohiya.
May dalawmpu't isang (21) ponema ang wikang Filipino, labing-anim (16) ang katinig at lima (5) naman ang patinig. Ang mga katinig ay ang mga sumusnod: /p,b,m,t,d,n,s,l,r,y,k,g,n,ng,w,/. Ang katinig naman ay ang /i,e,a,o,u,/.
3. "Morpolohiya"
Tumotukoy ang morpolohiya sa makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng isang salita o morpema.
Ang morpema ay maaring isang ponema.Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaring mangahulugan ng kasarian.
Halimbawa:
maestro vs maestra
abugado vs abugada
Paulo vs Paula
tindero vs tindera
Angelito vs Angelita
4. "Mga Pagbabagong Morpoponemiko"
Ang mga pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anu mang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ito ay may ilang uri.
a.) Asimilasyon
Sangkot ng uring ito ang mga pgbabagong nagaganap sa /ng/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
Dalawng uri ng asimilasyon;
1. Asimilasyong parsyal
2. Asimilasyong ganap
Asimilasyong parsyal- yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ at nagiging /n/ o /m/ o nanatiling /ng/ dahil sa kasunod na tunog.
Halimbawa:
[pang]+paaralan-------pampaaralan
[pang]+bayan---------pambayan
Asimilasyong ganap- sa asimilasyong ganap, bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ ayon sa punto ng artikulasyon na kasunod na tunog, nawawala parin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.
Halimbawa:
[pang]+palo----------pampalo-----------pamalo
[pang]+tali-----------pantali--------------panali
b.)Pag-papalit ng ponema
May mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita.
1. /d/----- /r/
Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
Halimbaw:
ma-+dapat------------marapat
ma-+dunong----------marunong
2. /h/-----/n/
Sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi binabaybay o tinutumbasan ng titik sa pagsusulat na panlaping
/-han/ ay nagiging /n/.
Halimbawa:
/tawah /+ -an--------/tawahan/--------tawanan
3. /o/----/u/
Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhunlapian osalitang inuulit ay nagiging /u/.
Halimbawa:
dugo + an----------dugoan
mabango----------mabangung-mabango
c.) Metatesis
Kapag ang salitang ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping -in-, ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng posisyon.
Halimbawa:
-in- + lipad--------nilipad
-in- + yaya--------niyaya
d.) Pagkakaltas na ponema
Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang ponimag patinig ng saliatng-ugat ay nawawala sa pag huhunlapi nito.
Halimbawa:
takip + an--------takipan-----------takpan
kitil + in----------kitilin-------------kitlin
e.) Paglilipat-diin
May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian.
Halimbawa:
basa + -hin------------------basahin
ka- + sama + -han----------kasamahan
laro + an--------------------laruan(lugar)
f.) Reduplikasyon
Pag-uulit ng pantig ng saliata.
Halimbawa:
aalis matataas magtataho
pupunta masasaya naglalakad
4."Sintaksis"
Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo.
Halimbawa:
Nanay! (panawag)
Aray! (nagsasaad ng damdamin)
Sulong! (utos)
Opo (panagot sa tanong)
Umuilan (pandiwang palikas o penomenal)
titik—————→salita—————→pangungusap—→diskurso
↓ ↓ ↓
ponema morpema sintaksis
↓ ↓
ponolohiya morpolohiya
(palatanungan) (palabusan)
5."Pagpapalawak ng pangungusap"
Ang mga maaring gamiting pampalawk ng pangungusap ay 1.) paningit at 2.) panuring (pang-uri at pang-abay) at 3.) kaganapan ng pandiwa.
a.)Mga paningit bilang pampalawak
Mga paningit o ingklitik ang ta wag natin sa mga katagang isinasama sa pngungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.
Talaan ng ating mga paningit:
ba na ho po
kasi naman lamang/lang sana
kaya nga man tuloy
daw/raw pa muna yata
din/rin pala
Ang mga paningit ay may tiyak na posisyon sa loob ng pangungusap.
Ang mga katagang ka, ko at mo ay maaring manguna sa paningit.
Watong pagamit ng mga paningit:
1. Unang salitang may diin + paningit
2. Unang salitang may diin +ka/ko/mo + paningit
Halimbawa:
1. Unang salitang may diin + paningit
a.) Ang bata na ang tawagin mo.
b.) Hindi man kayo matuloy ay dapat kang maghanda.
2. Unang salitang may diin + paningit
a.) Bakit ka nga ba hindi dumating?
b.) Hinihintay ko naman siya ngunit talagang hindi siya dumating.
c.) Alam mo ba ang dahilan ng kanyang biglang pag-alis?
Sa ating talaan ang mga paningit aymapapansing may mga pningit na malayang nagkakapalitan, tulad ng daw/raw at din/rin.
Sa kolokyal na gamit, ang daw at raw, din at rin ay malayang nagkakapalitan kahit na sa anung kaligirang ponemiko. Sa mga pormal na okasyon, may mga taong nagbibigay ng pagkakaiba sa gamit ng daw at raw, din at rin. Ang daw at din ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig, maliban sa mga malapatinig na /w/ at /y/. Samantala ang raw at rin ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nag tatapos sa patinig o malapatinig na /w/, /o/, /y/.
Halimbawa:
1. Malaki raw ang hinihingi mo kaya hindi ka napag bigyan.
2. Swelduhan din daw ang ama niya.
3. Maswerte na rin naman ang batang yon.
4. Buhay raw ang nakulong sa minahan.
5. Kalabaw raw ni Kuya ang nawala.
Ang lamang ay pormal na anyong kolokyal na anyo ng lang.
Halimbawal:
1. Isasanguni po lamang namin ang taga pangulo ng komite ang hingil sa suliranin ng kaspi.
2. Iabot mo lang sa akin ang peryodiko bago ka umalis.
b.) Mga panunuring bilang pampalawak
Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na panuring sa pangngalan o panghalip, at ang pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Btayan ng Pangungusap
Ang mag-aaral ay iskolar.
1.Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri
Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.
2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring
a.) Ang matalinong mag-aaral sa klase ko ay iskolar.
b.) Ang matalinong mag-aaral sa klase ng kasysayan ay iskolar.
c.) Ang matalinong mag-aaral sa klase ng kasysayan ay iskolar sa pamantasan.
d.) Ang matalinong mag-aaral sa klase ng kasysayan ay iskolar ng pamahalaan sa pamantasan.
e.) Ang matalinong mag-aaral sa klase ng kasysayan na magaling mag talumpati ay iskolar pamahalaan sa pamantasan.
3.Pagpapalawak sa pamamagitan ng ibang bahagi ng pananalita na gumaganap ng tungkulin ng pang-uri.
a.) Pangngalang ginagamit na panuring
Ang mag-aaral na babae ay eskolar.
b.) Panghalip na ginagamit na panuring
Ang mag-aaral na babaing iyon ay eskolar.
c.) Pandiwang ginagamit na panuring
Ang mag-aaral na babaing iyon na nagtatalumpati ay eskolar.
"DISKURSO"
Diskurso- ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpaparating ng isang minsahe, ito man ay pagpapahayag, pasulat man o pasalta.
- ay functional.
Paglalahad-ay isang anyo ng pagpapahayag.
"Konteksto ng Diskurso"
* Kontekstong Interpersonal- ito ay usapan pang mag-kaibigan.
* Kontekstong Panggrupo- pulong ng isang samahan pang mag-aaral.
* Kontekstong Pang-organisasyon- memorandum ng pangulo ng isang kompanya sa lahat ng impliyado.
* Kontekstong Pangmasa- pagtatalumpati ng isang politiko sa harap ng mga botante.
* Kontekstong Interkultural- pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEA.
* Kontekstong Pangkasarian- usapan ng mga mag-asawa.
"Mga Teorya Ng Diskurso"
Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon.
* Speech act theory- isang teorya ng wikang batay sa aklat na "how to do things with words" ni JL Austin(1978)
* Ethnography of communication- ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern, at tungkulin.
Iabat abang teknik na maaring magamit sa partisipant obserbasyon
1. Introspection 5. Ethnosemantics
2. Delached observation 6. Ethnomethodology
3. Interviewing 7. Prenomenelogy
4. Philology
* Communication accommodation theory- sinusuri ang mga motibasyon at kasikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng estilo ng komunikasyon.
* Narrative paradigm- ay nag lalarawn sa mga tao bilang mga storytelling.
komunikatib kompitens—→ kasanayan—→expertise sa paggamit ng wika pasulat man
↓ o pasalita.
diskurso
(tunog→salita→pangungusap→diskurso)
Post a Comment